When reading, knowing how to syllabicate words is key. This helps a lot in breaking down the word into smaller parts. Filipino words have rules in syllabication.
Ano ang pantig?
Ang pantig ay ang pagbuka ng bibig o saltik ng dila na gumagawa ng tunog upang bigkasin ang salita. Upang magkaroon ng tunog ang isang salita, kailangan nito ng katinig (consonant) at patinig (vowel). Ang patinig (P) ay maaaring makabuo ng tunog nang nag-iisa lamang, ngunit ang katinig (K) ay kailangan ng patinig upang magkaroon ng isang tunog.
Ang bawat pantig ay may kayarian o anyo. Maaaring ito ay:
- P – a.so, u.nan
- KP – ba.so, pu.sa
- PK – is.la, is.da
- KPK – mag.a.ral, bag.yo
- PKK – eks.tra, ang.kan
- KKP – blu.sa, tra.ba.ho
Ano ang pagpapantig?
Ang pagpapantig ay ang paghihiwa-hiwalay ng bawat pantig sa isang salita. Malalaman na sa pagsasama-sama ng mga pantig ay makabubuo ng isang salita.
Ang ilan sa mga tuntunin sa pagpapantig sa Filipino ay ang mga sumusunod: (Syllabication rules in Filipino)
1. Ang pantig ay maaaring iisang patinig lamang, ngunit ang katinig ay hindi maaring mag-isa. Kailangan ng patinig upang magkaroon ng tunog ang isang katinig. (A vowel can be a syllable, but a consonant needs a vowel so that it forms a syllable.)
Halimbawa: a.pa, u.nan, ba.so, pa.so
2. Kung may magkasunod na patinig sa isang salita, ang bawat patinig ay may magkahiwalay na pantig. (Two consecutive vowels are separated into two syllables.)
Halimbawa: ba.on, ka.in, da.ing, to.to.o
3. Kung may magkasunod na katinig sa isang salita, ang unang katinig ay kasama ng nauunang patinig sa isang pantig. Ang ikalawang patinig ay kasama ang kasunod na patinig sa ikalawang pantig.
Halimbawa: ban.sa, pak.sa, tin.da.han
These are just some of the rules in syllabicating Filipino words.
For students who are just starting to read, here is one activity you can do with them. This Pantig Activity is made up of two syllable words. You have to identify the object and match the syllable to make up the word.
For more Filipino activities, you can check out Filipino Beginning Letter Sound and Pangngalang Pantangi at Pambalana.