Nouns can be concrete (tahas) or abstract (basal). This depends on whether you can touch them, see them, feel them, hear them, or smell them. Other types of nouns can be learned, understood, believed, thought of, felt emotionally, or remembered.
In Filipino, we call these two other concepts of nouns as tahas (concrete) or basal (abstract).
Look at the sentence below.
Tingnan mo ang orasan. (Look at the clock.)
Ang pangngalan sa pangungusap ay orasan (clock). Ito ay isang bagay na nakikita at nahahawakan.
Now, look at this sentence.
Tingnan mo ang oras. (Look at the time.)
Ang pangngalan sa pangungusap ay oras (time). Time is a social construct. It is a noun, but this one is an abstract or basal.
Ano ang pangngalang tahas?
Ito ay kilala din bilang pangngalang kongkreto. Ang mga pangngalang tahas (concrete nouns) o mga pangngalanag kongkreto ay mga bagay na nakikita, nahihipo, nadarama, naaamoy, o naririnig. Kung gagamit ka sa isa sa iyong mga five senses, ang pangngalan ay tahas.
Upang malaman kung ang pangngalan ay tahas, tanungin ang sarili kung:
- Ito ba ay nakikita? (Can you see it?)
- Ito ba ay naaamoy? (Can you smell it?)
- Ito ba ay naririnig? (Can you hear it?)
- Ito ba ay nahihipo? (Can you touch it?)
- Ito ba ay nalalasahan? (Can you taste it?)
Kung ang sagot mo ay OO sa isa sa mga tanong na iyon, ang pangngalan ay tahas.
Ano ang pangngalang basal?
Ito ay kilala rin bilang pangngalang di-kongkreto. Ang mga pangngalang basal (abstract nouns) o ang mga pangngalang di-kongkreto ay mga bagay na hindi ginagamitan ng five senses. Ang mga ito ay walang pisikal na katangian. Ang mga ito ay maaaring isang ideya, damdamin, karanasan, katangian, pangyayari, paniniwala, o palagay ng loob.
Ang mga pangngalan sa ibaba ay ilan lamang sa mga halimbawa ng pangngalang basal.
katarungan (justice) | kalayaan (freedom) | kagitingan (bravery) | tuwa (joy) | lungkot (sadness) |
takot (fear) | galit (anger) | karanasan (experience) | pagkabata (childhood) | edukasyon (education) |
eleksyon (election) | Pasko (Christmas) | pagkakaibigan (friendship) | relihiyon (religion) | katahimikan (silence) |
To practice identifying pangngalang tahas at basal, you can download our worksheet. This is free and printable and a great practice for school and even homeschool.
To know more about pangngalan, you can check our other blog posts Pangngalan and Pangngalang Pantangi at Pambalana.